Home > News Debriefing isinagawa para sa Culiat High School matapos ang saksakan ABS-CBN News Posted at Jan 23 2023 02:03 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA – Nag-umpisa na ang Culiat High School sa pagbibigay ng psychological debriefing sa mga mag-aaral nito matapos na saksakin ng isang 15-anyos nitong estudyante ang 13-anyos nitong ka-eskwela nitong nakaraang Biyernes. “Ngayon pong umaga ay nag-umpisa na po ang ating paaralan sa pagbibigay ng psychological debriefing doon sa mismong eskwelahan,” kuwento ni Department of Education-National Capital Region (DepEd-NCR) Director Wilfredo Cabral. “Sila ay nag-imbita din ng tao within the community para makapagbigay din dahil naniniwala tayo na mas higit na lalakas ‘to kung may involvement ang komunidad,” dagdag pa ng opisyal. Matatandaang sinaksak ng suspek ang biktima sa labas ng classroom nito sa Culiat High School bandang alas-5:30 ng madaling-araw habang naghihintay magsimula ang mga klase. Kinuhang P50, tinuturong sanhi ng pananaksak sa 13-anyos sa QC Ayon kay Cabral, patuloy nilang iniimbestigahan ang insidente. “Patuloy pa po tayo na nag-ga-gather ng evidences at ng mga information, at ang atin pong pinagbabasehan ay kung ano yung incident report na nag-submit sa atin ng paaralan sa pamamagitan ng division office,” aniya. “Pero tingin ko pinakaimportante ay kung ano muna yung pwede natin gawin para sa mga bata, yung biktima tsaka yung nambiktima, lalong higit yung nakasaksi dito,” aniya. QC gov't helps kin of HS student fatally stabbed in school --TeleRadyo, 23 Enero 2023 Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Tagalog news, TeleRadyo Read More: Culiat High School Culiat Quezon City high school stabbing saksakan