Home > News Papel ng magulang sa pagsunod ng bata sa health standards, mahalaga ABS-CBN News Posted at Jan 23 2021 04:15 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Watch more in iWantTFC Ayon sa isang isang doktor, mahalaga ang papel ng mga magulang sa pagsunod ng anak sa mga health protocol, sa harap ng pagluwag sa age restrictions sa ilang lugar sa bansa kahit patuloy pa ang COVID-19 pandemic. Age restrictions sa MGCQ areas luluwagan; ilang eksperto may agam-agam Sa panayam sa Teleradyo, sinabi ni Dr. Maricar Limpin ng Philippine College of Physicians na mas mahirap kasing kontrolin ang pagsunod ng mga bata sa mga minimum health standards. Biyernes nang ibaba ng gobyerno ang utos na pinapayagan nilang luwagan ang age restrictions sa mga lugar na naka-modified general community quarantine. Ngayon, maaari nang lumabas nang bahay ang mga nasa edad 10 hanggang 65 sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Share on Twitter LinkedIn PatrolPH, Tagalog News, minimum health standards, COVID-19, teleradyo, Headline Pilipinas, health protocols, parenting Read More: PatrolPH Tagalog News minimum health standards COVID-19 teleradyo Headline Pilipinas health protocols parenting