SAPUL SA CCTV: Bagong biling e-bike ninakaw sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Jan 22 2021 07:14 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Nakuhanan sa CCTV ang pagnanakaw ng isang e-bike sa Malate, Maynila.

Bagong bili ang bisikleta ni William Cabahit nang nakawin Martes ng gabi. May halaga itong P37,000.

Ayon sa biktima, ipinarada niya ang e-bike sa harap ng kanilang bahay pagdating galing sa trabaho. Nang balikan niya ito pagkatapos ng 1 oras, wala na roon ang bisikleta.

Base sa CCTV ng computer shop, kita ang isang lalaking nakaputing T-shirt na tila palingon-lingon sa paligid. Maya-maya, sinakyan nito ang bisikleta at minaneho palayo.

Hinihinalang lookout naman ang lalaking nakaitim na T-shirt sa loob ng computer shop.

Ayon sa barangay, dayo lang umano ang mga lalaki. Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.