Home > News GenSan may higit 600 aktibong kaso ng COVID-19 ABS-CBN News Posted at Jan 21 2022 11:04 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC MAYNILA—Dumami muli ang mga nagkakasakit ng COVID-19 sa General Santos City nitong bagong taon, ayon sa isang doktor. Nakapagtala ang siyudad ng 113 bagong kaso ng COVID-19 nitong Huwebes, ayon kay Dr. Ryan Aplicador, chief ng Dr. Jorge P. Royeca Memorial Hospital. Sa kabuuan, may 656 na aktibong kaso ng COVID-19 ang siyudad kung saan 91 pasyente ay nasa hospital. "Nung nag-surge sa Metro Manila, we are expecting one month [na tataas dito] just like last year. Pero dito one week lang po ang nangyari tumaas na din ang kaso sa General Santos City," aniya sa panayam sa TeleRadyo Biyernes. DOH official: Marami sa nagkaka-COVID-19 ay bata, di pa bakunado Ayon kay Aplicador, nasa pami-pamilya ang hawaan ng sakit. "Marami na rin po talaga ang nag-home isolation, lalo na ngayon sa bagong variant. Puro po buong household ang positive. So, nananatili na lang sila sa bahay hangga't hindi naman po sila grabe," aniya. Tuloy naman aniya ang bakunahan kontra COVID-19 ng lokal na pamahalaan. "As of Jan. 3 this year, more than 70 percent na po, nasa 78 percent po ng aming population ang nabukanahan at least ng first dose. Marami na rin po kaming na-booster shots," ani Aplicador. More areas placed under COVID Alert Level 4, Alert Level 3 Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber regional news,tagalog news Read More: TeleRadyo Tagalog news Regional news Regions General Santos City GenSan COVID-19 COVID19 coronavirus Dr. Ryan Aplicador Dr. Jorge P. Royeca Memorial Hospital