Home > News Mahigit 100 binahang pamilya sa Barangay Silangan sa QC, inilikas ABS-CBN News Posted at Jan 21 2021 09:32 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Watch more in iWantTFC Pansamantalang tumuloy sa basketball court at elementary school ang mahigit 100 pamilya matapos bahain ang kanilang mga bahay sa Barangay Silangan sa Quezon City. Partikular na binaha ang mga bahay na malapit sa ilog. May ilang pamilya na rin ang nagsiuwian Huwebes ng umaga habang unti-unting humuhupa ang baha para maglinis ng kanilang binahang bahay. Sa basketball court ng barangay, naglagay ng mga modular tent para mas maging maayos ang tutuluyan ng mga residente. Marami umano sa mga residente ang nabigla sa pagtaas ng tubig lalo na at kakabangon lang nila sa nagdaang bagyo. - TeleRadyo 21 Enero 2021 Share Facebook Share on Twitter LinkedIn Barangay Silangan, Quezon City, Binaha, Barangay Silangan flooding, TeleRadyo Read More: Barangay Silangan Quezon City Binaha Barangay Silangan flooding TeleRadyo