Ilang residente sa Marikina City binaha sa pag-apaw ng ilog

ABS-CBN News

Posted at Jan 21 2021 01:43 PM | Updated as of Jan 21 2021 07:21 PM

Watch more on iWantTFC

Ilang residente ng lungsod ng Marikina ang binaha dahil sa pag-apaw ng ilog mula sa magdamag na pag-ulan.

Ang ibang residente ay nasa mga evacuation centers na.

Partikular na binaha ang mga residenteng nakatira sa mga mabababang lugar tulad sa mga barangay Sto. Niño, Nangka, Jesus dela Peña, Sta. Elena, Malanday, at Tumana.

Ilang sasakyan din na nakaparada sa gilid ng Marikina River ang nalubog na sa baha dahil sa pag-apaw ng ilog.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa ngayon ay unti-unti nang humuhupa ang tubig sa Marikina River. Mula 16.2 meters na lebel ng tubig Huwebes ng mga alas-5 hanggang alas-6 ng umaga, nasa 15.9 meters na ito sa ngayon.

Naibaba na rin ang alarma mula 2nd alarm, sa 1st alarm.