Trak tumagilid sa Tagaytay, gasolina tumagas sa daan

ABS-CBN News

Posted at Jan 21 2020 11:53 AM | Updated as of Jan 21 2020 11:56 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Tumagilid ang isang 14-wheeler truck sa Tagaytay City, Cavite, dahilan para tumagas ang gasolina nitong maaaring maging mapanganib para sa ibang motorista, Martes ng umaga. 

Kuwento ng driver na si Harold Banania, ipinarada niya ang trak para ibaba ang karga nitong buhangin sa tapat ng isang resort sa Ligaya Drive. Pero makaraan lang aniya ang ilang minuto, bumigay ang bangketa dahil hindi kinaya ang bigat ng trak na tumagilid. 

Hindi nasaktan sa insidente ang driver, pero magiging pahirapan ang paghatak sa trak na tumatagas ang gasolina. Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

DZMM, Enero 21, 2025 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.