Home > News Agusan del Sur nakapagtala ng higit 1,000 bagong kaso ng COVID-19 ABS-CBN News Posted at Jan 20 2022 12:23 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC MAYNILA - Dumarami ang kaso ng COVID-19 sa Agusan del Sur, ayon sa kanilang provincial health officer. Sabi ni Dr. Jacqueline Momville, nakapagtala ang lalawigan ng higit 1,000 bagong kaso ng COVID-19 simula Enero 1 hanggang 19. "Sa ngayon po, nararamdaman na rin po namin 'yung pag-angat ng mga kaso sa COVID-19 po," aniya sa panayam sa TeleRadyo, Huwebes. Mga bagong-galing sa COVID-19 binalaan vs reinfection, panghahawa Ayon kay Momville, kumonti ang mga nagkasakit ng COVID-19 sa Agusan del Sur noong nakaraang taon. "Dumaan kami sa days nung December na maraming araw 'yung zero, isa, ganun. In fact, walang naka-admit sa aming mga isolation facilities buong December, mga November, ganun. Pero sa ngayon, unti-unti na po ulit umaangat 'yung kaso," aniya. Karamihan aniya sa mga pasyente ay asymptomatic at mild cases. Dagdag ni Momville, ilang kawani rin ng Agusan del Sur Provincial Capitol ang napag-alamang may COVID-19 matapos sumailalim sa testing. "Sa buong capitol, nasa 10 to 20 percent. Nag-isolate po sila kaagad," aniya. Ilang provincial hospitals dama na ang COVID-19 surge Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news, Regional news, Regions, COVID-19, coronavirus Read More: TeleRadyo Tagalog news Regional news Regions COVID-19 COVID19 coronavirus Agusan del Sur Dr. Jacqueline Momville COVID-19 regions COVID0-19 Agusan del Sur