Lokal na pamahalaan, nakiusap sa publiko na huwag muna pumunta sa Ospital ng Makati

ABS-CBN News

Posted at Jan 20 2021 11:18 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Nakikiusap ang lokal na pamahalaan ng Makati sa mga publiko na huwag munang pumunta sa Ospital ng Makati outpatient department para sa walk-in check-up ito ay dahil umano sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa lugar.

Sa kanilang advisory, sinabi ng Makati LGU na huwag munang magtungo nang basta-basta lamang sa outpatient department ng naturang ospital para magpakonsulta para maiwasan ang hawaan ng sakit.

Maaaring tumawag muna sa OSMAK kung anong dapat gawin kung sakaling may nararamdaman.

Maaaring magpakonsulta naman online sa kanilang virtual e-consult kung saan pwede ang audio o video call sa doktor. Ito ay libreng serbsiyon,i-type lang ang econsult.osmak.gov.ph para sa appointment.

Dahil din sa marami ang nangangailangan ng atensiyong medikal, hiring ngayon ng mga doktor at nurses ang lungsod. Para sa doktor, o medical officer 3, ang sweldo ay aabot sa P1 milyon kada taon o nasa halos P60,000 kada buwan.

Para naman sa mga gustong mag-apply na nurse, aabot sa P653,000 ang sahod kada taon o P32,000 kada buwan.

Para sa mga gustong mag-apply, magpadala lang ng resume, PRC ID, transcript of records at i-email ito sa Makati Health Department.

Sa ngayon ay nasa halos 200 ang active cases sa lungsod.

- TeleRadyo 20 Enero 2021

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.