PatrolPH

2 binatilyo tiklo sa buy-bust sa QC; hinihinalang shabu nasabat

Nico Bagsic, ABS-CBN News

Posted at Jan 19 2022 06:35 AM | Updated as of Jan 19 2022 07:00 AM

Watch more News on iWantTFC

Hindi na nakapalag ang 2 binatilyo nang sila ay arestuhin sa isang drug bust sa Quezon City.

Bakas sa mga mukha nila ang pagsisisi nang masamsam ng pulis-Quezon City ang tinatayang P238,000 halaga ng mahigit kumulang 35 gramo ng hinihinalang shabu, kasama na ang buy-bust money.

Ayon kay Police Lt. Col. Ritchie Claravall, station commander ng Masambong Police Station, ganap na 6:50 a.m., Martes, nang ikasa nila ang kanilang buy bust sa Malasimbo St., Brgy. Masambong. 

Napag-alaman ding kapwa taga-Quezon City ang mga suspek.

Nasa kustodiya na ng pulis ang 2 binatilyo na kakasuhan at nahaharap sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.