PatrolPH

Taiwan bubuksan na sa mga migrant Filipino workers

ABS-CBN News

Posted at Jan 18 2022 01:45 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA — Malapit nang buksan ng Taiwan ang kanilang border para sa mga overseas Filipino worker, ayon sa isang labor official.

"Sinabi po sa amin, hindi na po magtatagal ay bubuksan na rin po ang border nila para sa mga manggagawang Pilipino," ani lawyer Cesar Chavez Jr., Philippine labor attaché in Taiwan.

Sa panayam sa TeleRadyo Lunes, sinabi niya na nakipag-usap noong Martes ang pamahalaan ng Pilipinas sa Ministry of Labor ng Taiwan matapos ma-stranded ang nasa 5,000 OFWs dahil sa temporary entry ban bunsod ng Lunar New Year.

A Taiwan flag is carried by a Chinook helicopter during a rehearsal for the upcoming National Day celebration in Taipei, Taiwan October 7, 2021. REUTERS/Ann Wang/File Photo
A Taiwan flag is carried by a Chinook helicopter during a rehearsal for the upcoming National Day celebration in Taipei, Taiwan October 7, 2021. REUTERS/Ann Wang/File Photo

"Siguro po inaasahan natin pagkatapos ng Chinese New Year kung saan marami ng bakanteng government quarantine facilities na makaka-accommodate ng mga manggagawa," ani Chavez.

Nilinaw din niya na matagal nang naayos ang isyu ukol sa additional pre-deployment expenses ng mga OFW.

"January 2021 pa po sa kasagsagan ng pandemya, mayroong memorandum circular na inilabas ang POEA kung saan lahat ng additional pre-deployment expenses, kasama po diyan ang pre-deployment quarantine, 'yung series of RT-PCR testing ay sagot ng agency at employer po 'yan," ani Chavez.

Kung hindi susunod ang mga agency at employer, magkakaroon sila aniya ng violation.

Sabi ni Chavez, nasa 5,000 OFWs ang handa nang i-deploy sa Taiwan habang iba pang 5,000 ang under processed ang kanilang aplikasyon sa Pilipinas.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.