Narekober na nakaw na sasakyan, pinalitan ng plate number, ginamit ng pulis

ABS-CBN News

Posted at Jan 18 2019 02:08 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Inaresto ng PNP Counter Intelligence Task Force ang isang pulis ng Mangaldan Municipal Police Station sa Pangasinan. Ito ay dahil sa paggamit o pagmamaneho ng isang nakaw na sasakyan. Lumalabas na nabawi ng mga pulis ang sasakyan mula sa budol-budol gang, pero imbes na ibalik sa may-ari, ginamit na ito ng pulis. I-Bandila mo, Maan Macapagal. - Bandila, Huwebes, 17 Enero, 2019 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.