DOH makikipagpulong sa mga pasyente upang alamin ang mga gamot na 'di dapat buwisan

ABS-CBN News

Posted at Jan 18 2019 10:46 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

MANILA - Nakatakdang kausapin ng Department of Health ang ilang mga pasyente at pharmaceuticals upang malaman anong mga gamot ang dapat 'di mapatawan ng buwis, sabi ng isang opisyal ng ahensiya Biyernes.

Ayon kay DOH Usec. Eric Domingo, gusto ng ahensiya na mapasama ang mga gamot sa cancer sa listahan ng mga medisina na exempted mula sa tax reform for acceleration and inclusion o TRAIN Law.

"May mga clamor po tayo na mag-include nung mga para sa cancer, antibiotics," sabi ni Domingo sa isang panayam sa Failon Ngayon sa DZMM.

"Ito 'yung mga tinatawag naming mga catastrophic illness. Ang isang middle class na pamilya, kapag may isang kapamilya o kamaganak na magkaroon nun, maaaring mapalitan 'yung classification nila from middle class to poor," sabi niya.

Sa ilalim ng batas, tanging mga gamot sa diabetes, high blood at cholesterol ang exempted mula sa mga buwis.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.