Libo-libong di gamit na vial ng Dengvaxia, isinauli na

ABS-CBN News

Posted at Jan 18 2018 10:05 PM | Updated as of Jul 11 2019 12:38 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Nabawi na ng Zuellig Pharma, distributor ng drug manufacturer na Sanofi Pasteur, ang mga natitirang vial ng Dengvaxia. Ito'y matapos mapagkasunduang isauli na lang ng gobyerno ang bakunang hindi pa nagagamit dahil sa maaaring masamang epekto nito sa hindi pa nagkakaroon ng dengue. Maglalabas naman ng report ang isang panel na binuo ng Department of Health para pag-aralan kung dapat pang ituloy ang programa sa pagbabakuna ng Dengvaxia sa bansa. Nagpa-Patrol, Kori Quintos. TV Patrol, Huwebes, 18 Enero 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.