Mga kabataan, hati ang opinyon sa pamimigay ng condom sa paaralan

ABS-CBN News

Posted at Jan 18 2017 09:53 AM | Updated as of Sep 18 2017 11:54 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Hati ang opinyon ng ilang teenagers sa pamimigay ng condom ng gobyerno sa mga paaralan para maiwasan ang tumataas na bilang ng HIV sa mga kabataan.

Kuwento ni Adelyn, 16, ilan sa mga kaibigan niya na ka-edad niya ang buntis na.

"Dumadating sa point na midnight tumatakas ang mga bata, pumupunta sa mga tropa at kaibigan...Kahit 'di naman magbigay ang gobyerno ng condom ginagawa pa rin nila ito," aniya.

Tutol naman si Chloe, edad 12, sa pamimigay ng condom sa paaralan.
"Mas nagiging curious sila na gawin ang mali. Kahit alam nilang mali, parang gagawin nila kasi alam nila na safe sila doon," aniya.

Hindi naman naiwasan ng DOH at simbahan ang magpalitan ng saloobin sa isyu.

ABS-CBN Umagang Kay Ganda, 18 Enero 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.