PatrolPH

Suspek sa pananaksak sa Cagayan nahuli sa Maynila

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Jan 17 2022 07:18 AM

Watch more News on iWantTFC

Hinainan ng warrant of arrest ang isang lalaki sa Sta. Cruz, Maynila na wanted sa kasong attempted homicide.

Kinilala siyang si Vincent Labbao, 35 anyos at nakatira ngayon sa Sta. Cruz, Maynila.

Top 1 Most Wanted Person siya sa bayan ng Sto. Niño, ayon sa Cagayan Police Provincial Office.

Sa imbestigasyon, inireklamo siya ng kapwa magsasaka sa Calamaniugan, Cagayan na sinaksak umano ni Labbao habang sila’y nag-iinuman.

Matapos ang insidente, nagtago na umano ang suspek sa Maynila.

Dati siyang namamasukan sa Pandacan at nang matunugan ito ng mga pulis, agad siyang hinanap hanggang matunton siya sa Barangay 464.

Nasa kustodiya siya ngayon ng Pandacan Police at may piyansang P36,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.