PatrolPH

P800K shabu nasabat sa Caloocan, Navotas

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Jan 17 2022 06:40 AM

Watch more News on iWantTFC

Higit 800,000 pesos na hinihinalang shabu, nasabat sa dalawang magkahiwalay na operation sa Caloocan at Navotas.

Sa kulungan ang bagsak ng 4 na lalaki matapos masakote sa dalawang magkahiwalay na anti-drug operation sa Caloocan at Navotas.

Unang nahuli ng mga tauhan ng Caloocan District drug enforcement unit ang mga suspek na sina "Marlon", 25, at "Paul", 26, sa operasyon sa Barangay133, Caloocan.

Gamit ang P7,500 boodle money ay positibong nagkapalitan ng pera at droga ang mga pulis at suspek. Nakumpiska sa kanila ang nasa 680,000 pesos na halaga ng hinihinalang shabu.

Samantala, sa Barangay Daang-Hari, Navotas City naman nahuli ang dalawa pang lalaki sa anti-drug operation na ikinasa ng Navotas police. 

Nakumpiska sa mga suspek ang 149,600 pesos.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 ang mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.