Lalaki patay sa pamamaril sa Malabon

ABS-CBN News

Posted at Jun 14 2019 04:54 AM

MAYNILA - Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa labas ng kaniyang bahay sa Barangay Muzon, Malabon Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Jaime Torrelino, 62 anyos, na namamakyaw ng isda sa Navotas Fish Port.

Ayon kay Marrietta Torrelino, misis ng biktima, nakita na lang niyang nakabulagta ang mister matapos marinig ang 2 putok ng baril.

Palaisipan sa pamilya ang motibo sa pamamaslang.

"Hindi ako sure pero hinala ko baka dahil sa kaso ng tatay na hindi naresolba," ani Marrietta.

Patuloy ang imbestigasyon ng Malabon police sa insidente. - Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.