PatrolPH

'Papel Mo sa Kinabukasan Ko' naghatid tulong sa nasalantang paaralan sa Bato, Catanduanes

ABS-CBN News

Posted at Jan 14 2021 12:23 PM

Watch more on iWantTFC

Unti-unti pa ring bumabangon ang isang paaralan sa Bato, Catanduanes na nasalanta ng bagyong Rolly noong nakaraang Nobyembre.

Ayon kay Romy Masagca, teacher in charge sa Buenavista Elementary School, nasira ng bagyo ang kanilang paaralan, mga kagamitan sa pagtuturo at 2 sa apat nilang printers na ginagamit sa pag-print ng modules.

“May mga nasalba naman kaming printer na pwede pong gamitin. Sa ngayon po, meron kaming 2 gamit sa school,” sabi ni Masagca sa TeleRadyo Huwebes ng umaga.

Problema pa rin sa kanilang lugar ang kawalan ng supply ng kuryente.

Nabutas ang mga bubong ng paaralan na may apat na classroom lamang na ginagamit ng mga estudyante mula kinder hanggang Grade 6.

Bukod sa 50 reams ng bond paper dala ng Bayan Mo iPatrol Mo at Kabayan sa TeleRadyo sa pamamagitan ng proyektong “Papel Mo sa Kinabukasan Ko”, nagdala rin ng mga hygiene kits at pagkain ang Sagip Kapamilya ng ABS-CBN Foundation.

- TeleRadyo 14 Enero 2021

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.