PatrolPH

Sunog sumiklab sa isang minimart sa Novaliches

Nico Bagsic, ABS-CBN News

Posted at Jan 13 2022 08:05 AM | Updated as of Jan 13 2022 10:40 AM

Watch more on iWantTFC

Natupok ang isang minimart sa Novaliches, Quezon City Miyerkules ng gabi.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, unang itinaas ang alarma dakong alas 9:30 kagabi.

Ayon sa mga rumespondeng bumbero, nahirapan sila sa pag-apula sa apoy dahil sa kawalan ng bentilasyon sa ikatlong palapag ng gusali na nabalot ng makapal na usok.

Kahit marami ang rumespondeng bumbero, umabot ng isang oras bago naideklarang kontrolado ang sunog.

Tuloy pa rin ang imbestigasyon ng BFP at inaalam pa ang halagang natupok na karamihan ay bed frames, mga kutson ng kama at mga bisikleta.

Walang namang napaulat na nasawi o nasaktan sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.