PatrolPH

NBI di inakalang makakakuha pa ng urine sample sa bangkay ni Dacera

ABS-CBN News

Posted at Jan 12 2021 07:57 PM

Watch more on iWantTFC

Kritikal ngayon sa imbestigasyon ng NBI ang resulta ng ikalawang autopsy sa bangkay ni Christine Dacera. Ibinunyag rin ni Justice Secretary Mernardo Guevarra na nakakuha ang NBI ng urine sample mula sa katawan ng flight attendant. Hindi umano akalain ng NBI na may makukuha pa silang body fluid mula kay Dacera lalo't naembalsamo na ito at ilang araw na ring nakaburol. Nagpa-Patrol, Zyann Ambrosio. TV Patrol, Martes, 12 Enero 2021
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.