Home > News Bawal ang basbas: Ilang aktibidad sa pista ng Sto. Niño sa Tondo, kanselado ABS-CBN News Posted at Jan 12 2021 09:56 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Watch also in iWantTFC Matapos ang Traslacion 2021 ng Poong Itim na Nazareno sa Quiapo, ang susunod na malakihang selebrasyon ay ang kapistahan ng Poong Sto. Niño de Tondo. Pero gaya sa Quiapo, maraming tradisyunal na gawain ang kanselado ngayong taon. Commemoration of Black Nazarene feast ’peaceful' so far- Quiapo church priest Ayon sa Archdiocesan Shrine of Sto. Niño, bawal ang procession at motorcade ngayong linggo. Sa nakalipas na mga taon, maraming tao ang nakikilahok dala ang kanilang mga imahen ng Sto. Niño at ipinaparada ito sa mga kalsada sa Tondo. Wala ring pagbasbas ng mga imahen o pagwisik ng banal na tubig sa labas ng simbahan para maiwasan ang pagkukumpulan ng mga tao. Sa loob na ng simbahan gagawin ang pagwisik ng banal na tubig para hindi na magsiksikan ang mga tao. Ayon kay Bishop Broderick Pabillo, tuloy pa rin ang pagpapatupad sa mga health protocol at hindi rin ikakansela ang physical masses sa Tondo church. Ang Basilica Minore de Cebu ay nag-anunsiyo na simula ngayong araw ng Martes ay kanselado na ang physical masses sa loob ng simbahan sa Cebu hanggang sa pista sa Linggo. Pero tuloy naman ang online mass sa Facebook ng Basilca Minore del Santo Niño de Cebu. - TeleRadyo 11 Enero 2021 Share Facebook Share on Twitter LinkedIn Pista ng Sto. Niño de Tondo, Tondo, Tondo Church, TeleRadyo, Religious events, Catholic Church, Read More: Pista ng Sto. Niño de Tondo Tondo Tondo Church TeleRadyo Religious events Catholic Church