Taipei Economic and Cultural Office magsususpinde muna ng consular service hanggang Enero 12

ABS-CBN News

Posted at Jan 11 2022 10:01 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Tulad ng Department of Foreign Affairs, magsususpinde muna ng consular services ang Taipei Economic and Cultural Office hanggang sa Enero 12. Ito ay bunsod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region.

Ilan sa mga services nila na pansamantalang suspendido ay ang ROC passport application, ROC passport renewal, special overseas residency at iba pa.

Inaabisuhan nila ang mga maapektuhang aplikante na ire-reschedule na lamang ng ahensiya ang panibagong petsa nila ng appointment. Magbabalik operasyon sila ng Enero 13.

Para sa karagdagang katanungan ay maaari kayong tumawag sa kanilang hotline 02-8887-6688, 02-8887-7679.

Magugunitang kahapon ay pansamantalang nagsuspinde na rin ang operasyon ang ilang tanggapan ng DFA matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilan sa kanilang mga tauhan.—Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News