PatrolPH

Paano makaiiwas sa credit card fraud?

ABS-CBN News

Posted at Jan 11 2021 08:41 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Sa patuloy na paggamit ng mga Pilipino sa online banking ngayong pandemya, nagpaalala ang isang cybersecurity expert nitong Lunes kung paano maiiwasan ang hacking.

Maaaring mabiktima ng credit card fraud sa pamamagitan ng phishing, SIM fraud, o malware attack, ayon kay Joseph Felix Pacamara, founder ng Cybersecurity Philippines.

Narito ang ilang hakbang upang maiwasan ito:

- Ihiwalay ang email na ginagamit sa banking at personal o social media accounts
- Sumunod sa polisiya ng bangko at mag-setup ng OTP o multi-factor authentication

"Kung naka-receive ka ng notification (ng transaction) automatic itawag mo agad," ani Pacamara.

"Ang labanan dun, makarating ka agad sa kanila, 'Di ko transaction to, i-cut off niyo,'" dagdag niya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.