3 nalunod sa Laguna De Bay

ABS-CBN News

Posted at Jan 08 2018 01:57 PM | Updated as of Jun 14 2019 01:05 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Tatlo ang patay matapos lumubog ang sinasakyan nilang bangkang de motor sa Laguna De Bay sa bahagi ng Taguig, Lunes. 

Ayon sa 2 nakaligtas na kasama ng mga biktima, galing sila sa inuman at patungo sana sa Laguna de Bay nang tamaan ng malakas na alon ang kanilang bangka, dahilan para tumaob ito. 

Kinilala ang mga nasawi na sina Evangeline Garcia, 40; Jose Rudy Posadas, 55 at Arnold Garcesa. 
 
DZMM, 8 Enero 2018 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.