Pasahero galing Pilipinas nagpositibo sa bagong COVID variant sa HK

ABS-CBN News

Posted at Jan 06 2021 06:59 AM

Watch more on iWantTFC

Nagpositibo sa bagong COVID-19 variant ang isang pasahero na galing Pilipinas pagdating nito sa Hong Kong.

Sa press briefing ng kagawaran ng kalusugan sa Hong Kong, sinabi nito na 4 ang nagpositibo sa bagong COVID-19 variant mula December 21, 2020 hanggang January 2, 2021.

Kabilang dito ang isang galing sa France at isang galing Pilipinas.

Ayon sa opisyal, residente ng Hong Kong ang 30-anyos na babae na dumating noong December 22 mula sa Pilipinas sakay ng flight PR300.

Hiningi na ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang flight manifest ng flight PR300.

ABS-CBN TeleRadyo, January 6, 2021