PatrolPH

3 arestado sa shoplifting sa Muntinlupa

ABS-CBN News

Posted at Jan 06 2021 06:50 AM | Updated as of Jan 06 2021 07:35 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Arestado ang 3 katao sa pagnanakaw sa Muntinlupa nitong Miyerkoles.

Huli ang isang lalaki at 1 babae na nagnakaw sa isang convenience store sa Barangay Ayala, Alabang ng 4 na bote ng body spray na may halagang P300, ayon sa pulisya.

Isang merchandiser naman ang nasakoteng nagnakaw ng isang pantalon na may halagang higit P1,000 sa isang department store.

-- Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.