Bakery namigay ng food packs sa mga homeless sa Cavite at Maynila

ABS-CBN News

Posted at Jan 02 2021 10:09 AM | Updated as of Jan 02 2021 10:23 AM

Watch more on iWantTFC

Namahagi ng food packs ang isang bakery para sa mga pamilyang walang tahanan sa Cavite at Maynila.

Ayon kay Sharmaine Nahine, habang nagsasaya ngayong holiday season ay hindi dapat kalimutan ang mga palaboy na limitado ang napagkukunan ng pagkain araw-araw.

Namahagi aniya sila ng 70 food packs para mabigyan ng ngiti ang ilang mga pamilyang nagugutom. Naglagay din sila ng mensaheng “The secret to happiness is helping others” para mahikayat ang lahat na magtulungan ngayong panahon ng pandemya.

- TeleRadyo 2 Enero 2021