9 pulis sangkot umano sa pagpatay sa 4 sundalo sa Jolo noong Hunyo sibak

ABS-CBN News

Posted at Jan 02 2021 11:29 AM

Watch also in iWantTFC

Sinibak sa serbisyo ang 9 pulis na sangkot umano sa pamamaril at pagpatay sa apat na army intelligence officer sa Jolo, Sulu noong Hunyo ng nakaraang taon.

Tinanggal na sa kustodiya ng Philippine National Police ang mga dating pulis habang hinihintay ang warrant of arrest mula sa korte.

Sinabi ni Philippine National Police chief Gen. Debold Sinas na wala nang hurisdiksiyon ang PNP sa mga dating pulis kaya ito pinakawalan.

Nakiusap naman ito sa Department of Justice na bilisan ang proseso sa kaso ng 9 na dating pulis. 

- TeleRadyo 2 Enero 2021