Robbers hit LBC in Bulacan anew

Posted at Nov 29 2011 10:20 PM | Updated as of Sep 10 2019 01:23 PM

Watch also in iWantTFC

Nitong November 27 lamang, sinalakay ng dalawang lalaki ang LBC Malolos branch.

Sa kuha ng CCTV camera, marahas ang mga suspect dahil pati customer ninanakawan.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), una nang nilooban ang LBC branch na ito noong Oktubre 2010.

Muli itong pinasok ng hinihinalang parehong grupo noong September 24, 2011.

Sa tatlong holdapang ito, nasa P100,000 ang natangay ng mga suspek.

Napansin din na walang mga security guards.

“Naka-tatlong insidente na ng holdap. Ayaw yata ng management ng LBC magkaroon ng security guard. Kaya nagkaroon tayo ng adjustment ng deployment ng personnel,” sabi ni Superintendent David Poklay, hepe ng Malolos police.

Nitong nakaraang linggo lamang, pinasok din ng mga nagkunwaring customers ang LBC branches sa Sta. Mesa at sa Fairview, Quezon City.

Parehong gabi nangyari ang mga holdap na ito at tumakas din ang mga suspect sakay ng motorsiklo.

Karamihan sa mga branches ng LBC may mga CCTV camera, pero walang guwardya.

“Sa management, wala pa naman pong sinasabi kung bakit wala pa din kaming guard,” sabi ng LBC employee na si Lance Arrienda.

May target nang mga suspek ang PNP sa mga holdapang ito, base na rin sa rouges' gallery ng Malolos PNP.

Sinikap naming kunin ang panig ng LBC pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila sumasagot. Gus Abelgas, Patrol ng Pilipino