Foreigner binenta ang ari-arian sa Paris para makasama ang kasintahan

ABS-CBN News

Posted at Nov 09 2015 08:18 AM

Watch more News on iWantTFC

MAY FOREVER: Heto naman ang pagpapatunay na may forever at tunay na pagmamahal.

Sa Negros Occidental, dinarayo ang tindang turon at lumpia ni Bryan Reano.

Hindi lang dahil sa kanyang masarap at espesyal na lutuin kundi para makinig sa kanyang love story na totoong nagpapakilig sa mga naroroon.

Isang English national si Bryan - at ibinenta ang bahay at kotse sa Paris para manirahan sa Bacolod City at makasama ang minamahal na isang Pinay na si Rosalinda Labajo.

Nagkakilala sila sa Internet at mula noon, nabihag na si Bryan sa kagandahan ng Pinay.

Panoorin ang kanilang kwento.

ABS-CBN Umagang Kay Ganda, November 9, 2015