KILALANIN: Pedicab driver naka-corporate outfit sa pagpasada

Posted at Oct 07 2015 09:20 AM | Updated as of Oct 07 2015 05:20 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Agaw-pansin ang isang pedicab driver sa Barangay Guadalupe, Cebu City dahil sa pagsusuot ng corporate outfit tuwing pumapasada.

Ayon kay Ruben Austria Sr., nais umano niyang ipakita na seryoso siya sa kanyang trabaho.

Nakakatulong din anya ang kanyang pagporma sa trabaho dahil mas nagtitiwala ang mga pasahero sa kanya.

Kumikita si Austria ng P200 kada araw.

- Umagang Kay Ganda, 7 Oktubre 2015