Baby found dead inside ship’s trash bin

Posted at Sep 14 2010 10:16 PM | Updated as of Sep 15 2010 09:20 AM

"Kasalanan ko kung bakit hindi ako nakahingi ng tulong."

Ito ang pahayag ni Maria, ina ng sanggol na namatay.
 
Sinisi ni Maria ang sarili sa pagkamatay ng kanyang 8-buwang sanggol habang sakay ng barko mula Cotabato patungong Maynila.

Lunes nang matagpuan ng utility man ng Superferry 19 ang walang buhay na sanggol sa loob ng banyo.

Paliwanag ni Maria, umiihi siya nang bigla niya umanong nailuwal ang sanggol at aksidenteng nahulog sa inidoro.

Sa sobrang taranta, hindi na raw niya nalaman ang gagawin.

“Pagkatapos kong manganak, hindi ko na naramdaman kung ano ang gagawin ko. Kaya ang bata, nilagay ko na sa plastic, hindi siya nakabalot. ‘Pag magkamalay ako, kunin ko siya ulit,” pahayan ni Maria.

Duda naman ang Children's and Women's Desk ng pulisya sa Bacolod City sa pahayag ni Maria lalo't nalaman nilang hindi pala alam ng kanyang mga kamag-anak na buntis siya.

"Establish lang namin na kung iyong cause of death noong bata, reasonably bang pinatay o accidentally lang na nahulog,” ani Inspector Jovy Cabcaban, hepe ng Women’s and Children’s Concern Desk ng Bacolod City police.

Napag-alaman ding hindi idineklara ni Maria sa barko na buntis siya.

Sa ngayon, hindi na pinayagang maglayag patungong Maynila si Maria.

Kasong infanticide ang haharapin niya pero iimbestigahan pa ng mga pulis kung mayroon siyang problema sa pag-iisip. – Yasmin Pascual, Patrol ng Pilipino, Bacolod City