Rody Duterte snaps at Sara’s critics

Posted at Jul 04 2011 10:11 PM | Updated as of Jul 05 2011 06:11 AM

Mula Maynila, dumating kanina dito sa Davao City ang dalawang abugadong ipinadala ni Secretary Jesse Robredo para mag-imbestiga sa marahas na insidente nitong Biyernes na kinasangkutan ni Mayor Sara Duterte.

Kusang nag-leave si Mayor habang iniimbestigahan ang insidente. Hindi na rin siya dumalo sa flag-raising ceremony sa city hall.

Acting mayor ngayon ang tatay nya, si Vice Mayor Rodrigo Duterte, na nagsabing balewala sa pamilya nila kung maalis man sa pagka-mayor ang anak niya o tanggalan ng lisensya sa abugasya kung 'yun ang magiging kapalit ng pananapak kay Sheriff Abe Andres.

Kung siya raw ang mayor, may tadyak pa tiyak na kasama ang suntok na ibibigay nya!

"You ask the people here in Davao, you ask the media, 'buti nga kung ganun lang abutin mo sa kin, p#t@ng!@ (expletive)... Kung ako ang mayor, may tama yan talaga."

At sa mga bumabatikos sa anak niya sa Facebook at pati sa mga kolumnista, may mensahe si Vice Mayor: “Ano? Mga columnist? Oh! (shows dirty finger) ta#@n*a (expletive), hindi lang sampal ang inabot noon. (Expletive), you wage a battle against your own people using policemen?” aniya.

Kanina, humarap din sa media si Mayor Sara Duterte. Nagpapasalamat ang alkalde at hindi sya iniwan ng kanyang pamilya.

"Sa family, ganoon talaga kami. I understand his reaction, whether right or wrong, hindi kami nag-iiwanan," aniya.

Sumalang na ngayong hapon si Mayor Duterte sa isang closed-door meeting sa fact-finding team ng DILG.

Hanggang a-onse ng Hulyo, on leave si Mayor Sara Duterte kaya sa petsa a-nueve kung kailan itutuloy ang naudlot na demolisyon. Acting mayor si Vice Mayor Rodrigo Duterte na kilala ang bagsik dito sa Davao. Babala ni Vice Mayor, kung uulitin ng sheriff ang magulong  demolisyon, higit pa sa ginawa ng anak nya ang ibibigay nya. Jorge Cariño, Patrol ng Pilipino, Davao City