Bangkay ng babae, lumulutang sa ilog

ABS-CBN News

Posted at Jul 01 2016 11:48 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Natagpuang lumulutang sa ilog ang bangkay ng isang babae sa Barangay Bancal sa Meycauayan, Bulacan, Biyernes ng madaling araw.

Kinilala agad ang biktima na si Maria Theresa Jurado na residente sa lugar.

Ayon sa Kapitan ng Barangay Bancal, posibleng tulak droga si Jurado lalo na at nakuha sa kaniya ang 3 sachet ng hinihinalang shabu sa loob ng kaniyang wallet na nakaipit sa kaniyang underwear.

Naniniwala naman ang kaniyang mga anak na holdap ang nangyari sa ina dahil dalawang lalaki raw ang namataang huling kasagutan nito.

- Umagang Kay Ganda, 01 July 2016