Ama naipit ng truck na napaatras ng anak

ABS-CBN News

Posted at Jun 29 2016 09:30 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Patay ang isang lalaki matapos maipit sa likod ng isang truck na aksidenteng napa-atras ng kanyang limang taong gulang na anak sa Bacolod City.

Ayon sa pulisya, nagbababa ng mga ide-deliver na prutas ang ama at nakalagay sa primera ang kambyo ng sasakyan.

Nasa loob naman ng truck ang kanyang anak.

Pero sa paglalaro ng bata, naapakan nito ang clutch ng sasakyan, dahilan para biglang umatras ang sasakyan habang nasa likod ang kanyang ama.

Naipit ang lalaki, dahilan ng pagkamatay niya.

- Umagang Kay Ganda, 29 Hunyo 2016