3 taong gulang na bata, pinatay at posibleng hinalay

ABS-CBN News

Posted at May 03 2016 11:15 AM

Watch more on iWantTFC

Pinatay at hinalay pa ng kanyang kapitbahay ang isang tatlong taong gulang na bata sa Dumaguete City.

Sabado pa umano nawawala ang bata.

Sa gitna ng search and rescue operation, nakatanggap ng impormayon ang pulisya noong Linggo na hawak ng isang Sugar Ray Lago ang biktima.

Nang puntahan ng pulisya ang bahay ni Lago, patay na ang bata na natagpuang nakabalot sa punda sa loob ng isang kabinet.

Base sa paunang imbestigasyon, posible umanong pinatay muna ang biktima bago ginawan ng kahalayan.

Inaresto ang suspek na hinihinalang may diperensiya sa pag-iisip.

Napag-alaman namang nakasuhan na rin si Lago noong 2011 nang dahil sa panghahalay umano sa tatlong taong gulang ding bata.

- Umagang Kay Ganda, 3 Mayo 2016