Magsasaka, sugatan nang suwagin ng kalabaw

ABS-CBN News

Posted at Apr 06 2016 11:36 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Sugatan ang isang magsasaka matapos suwagin ng kalabaw sa Cauayan City, Isabela.

Ayon sa biktimang si Rolly Aguilar, iniwan lang sa kanya ng kapatid ang kalabaw kaya ginamit niya muna ito sa bukid.

Nakaka-tatlong ikot pa lang sila      nang bigla siyang suwagin ng kalabaw.

Nagpagulong-gulong si Aguilar hanggang sa mawalan ng malay.

Hindi pa rin niya maigalaw ang kanang kamay dahil sa sugat sa kili-kili.

May mga gasgas at pasa rin siya sa likod.

Ayon sa City Veterinarian, maaaring nag-alburuto ang kalabaw dahil sa matinding init ng panahon.

Samantala, ipinabebenta na ni Aguilar sa kapatid ang kalabaw bilang kapalit sa malaking gastusin niya sa ospital.

- Umagang Kay Ganda, 6 April 2016