Grass fire, sumiklab sa paligid ng Mayon

Posted at Mar 10 2015 10:12 AM | Updated as of Mar 10 2015 06:12 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

ALBAY - Tinatayang apat hanggang limang ektarya ng damuhan sa paanan ng Bulkang Mayon na sakop ng Barangay Bonga, Legazpi City ang nasusunog.

Hinala ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog dahil sa mga nagkakaingin o di kaya'y nagtatapon ng upos ng sigarilyo sa mga damuhan.

Ayon sa mga opisyales ng barangay, malayo na ito sa mga residente kung kaya wala naman umanong dapat na ikabahala.

Nagkaroon na rin umano ng grass fire sa nasabing lugar noong nakaraang taon at mas malaki pa umano ito pero hindi na umano nakarating sa mga kabahayan.

ABS-CBN Umagang Kay Ganda, 10 March 2015