Hot sea water, sinkhole worry Cebu town residents

Posted at Feb 22 2012 10:56 PM | Updated as of Sep 10 2019 12:44 PM

Watch also in iWantTFC

Ito ang unang video na kuha ng mga residente sa kumukulong tubig sa dagat ng Dumanjug kahapon.

Kung mapapansin, maliit pa lang ang butas ng pinagmumulan ng maligamgam na tubig.

Pero ngayon, mas lumaki ito at dumami pa.

Hindi tuloy maiwasan na mabahala ang mga residente, gaya ng estudyanteng si Junidel na nakatira malapit sa dagat.

“Natatakot ako na baka maapektuhan ang mga isda,” sabi ni Junidel Godinez.

Tuloy naman ang dagsa ng mga tao sa lugar para makita ang kumukulong tubig sa dagat.

Nagpadala rin ng litrato at video ang Bayan Patroller para ipakita ang nangyayari sa dagat.

Pero ayon sa isang geologist na nagpunta sa lugar, walang dapat ipangamba ang mga taga-roon.

“There is nothing to be alarmed. It’s a plus for Dumanjug with regards to the ground water supply,” sabi ni Clark Cebrian.

Dalawampu't apat na kilometro lang ang layo ng bayan ng Dumanjug sa epicenter ng lindol sa Tayasan, Negros Oriental.

Bukod sa nadiskubreng kumukulong tubig sa dagat, ininspeksyon din ng Phivolcs ang sinkhole sa Barangay Camboang.

Patuloy itong lumalaki na umabot na sa mahigit 10 metro ang lawak.

May lalim na rin itong halos apat na metro at may tubig.

Balak pa rin ng lokal na pamahalaan na humingi ng tulong sa international experts para mabigyan ng linaw ang nangyayari sa kanilang lugar. Rico Lucena, Patrol ng Pilipino, Cebu