WATCH: Ahas na may paa, nahuli sa Isabela

Posted at Jan 28 2015 09:22 AM | Updated as of Jan 28 2015 10:46 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

ISABELA - Pinagkakaguluhan ngayon sa isang barangay sa Mallig, Isabela ang isang ahas na may mistulang mga paa ng butiki o bayawak.

Nahuli ang naturang ahas sa bahay ng pamilya Gambol sa Barangay Olango.

Naglilinis ng bahay noon si Noberto nang mapansin daw nila ang ahas sa sahig.

Sumuot sa karton ang ahas kaya mabilis nila itong napatay. Pero namangha sina Noberto nang mapansin na parang may mga paa ang ahas.

May kanya-kanyang paniniwala ang kanilang mga kapitbahay ukol sa ahas. Pero paliwanag ng isang forestry scientist, bunga ng genetic mutation ang nangyari sa ahas.

Iprineserba na ng pamilya Gambol ang kakaibang ahas.

--Umagang Kay Ganda, 28 January 2015