OFW loses 1-year salary to 'budol-budol' at NAIA

ABS-CBN News

Posted at Nov 20 2015 10:37 AM | Updated as of Nov 21 2015 11:25 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Natangay mula sa isang overseas Filipino worker (OFW) ang kanyang isang taong sahod matapos umanong mabiktima ng budol-budol sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Huwebes.

Kwento ng biktimang si Sarina Jimmy, lumapag siya sa NAIA mula Qatar kahapon para sa kanyang connecting flight patungong General Santos City.

Nilapitan umano siya ng isang babaeng nag-alok ng tulong upang hanapin ang kanyang boarding gate.

Imbes na sa NAIA Terminal 3 umano siya dalhin ng babae ay dumiretso sila sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3). Dito umano may tumulak sa kanya habang nag-aabang ng tren, dahilan para mahulog sa pagitan ng tren at platform.

Dahil sa pananakit ng paa at hita, sinamahan si Jimmy ng babae sa isang clinic. Pero habang inaasikaso ang OFW sa pagamutan, bigla na lamang umanong nawala ang babae dala ang lahat ng kanyang bagahe.

Bukod sa kanyang sahod, kasamang nakuha mula sa biktima ang mga cellphone at alahas na ipapasalubong sana sa mga kaanak.

- Umagang Kay Ganda, 20 Nobyembre 2015