Pandesal vendor di umano na-holdap

Posted at Oct 20 2014 01:47 PM | Updated as of Oct 21 2014 08:15 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

MANILA (UPDATED) - Duda na ang mga pulis Caloocan sa kwento ng isang 12-anyos na bata na umano'y naholdap ng di pa nakikilalang salarin.

Ayon sa pulisya, ito na ang ikatlong beses na nagsabi ang bata na naholdap siya habang naglalako sa Deparo, Caloocan.

Lumabas din sa imbestigasyon na hindi umano maituro ng bata kung saan tumakbo ang umano'y holdaper.

Ngunit itinanggi ito ng ina ng bata at sinabing walang rason ang kanyang anak para magsinungaling.

Bwelta nito, hindi niya sinasaktan ang anak kaya hindi ito mag-iimbento ng kwento hinggil sa pagholdap sa kaniya.

Unang kumalat sa social media ang video ng bata na nanginginig sa takot pagkatapos umano ng panghoholdap.

RADIO DZMM, Oktubre 20, 2014