Home > Metro Manila Taft blast victim: I still want to be a lawyer Posted at Sep 27 2010 11:15 PM | Updated as of Sep 28 2010 01:02 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Nakaratay ngayon sa ICU ng Philippine General Hospital si Raissa Laurel, 25 taong gulang at 2nd year law student ng San Sebastian College. Kinailangang putulin ng mga doktor ang dalawang binti ni Raissa dahil sa grabeng pinsalang idinulot ng pagsabog. Hindi pa nakapagsasalita si Raissa dahil sa tubong nakakabit sa kanyang bibig, subalit sinagot pa rin niya ang mga tanong ko sa pamamagitan ng pagsusulat sa papel. Ayon kay Raissa, "Wrong timing lang, Wrong place at the wrong time. At least second life." Kitang-kita raw niya nang bumagsak sa harapan niya ang bomba na nakapaloob sa maliit na kwadradong kahon. Hindi nga lang niya nakita kung sino ang naghagis nito. Hindi naman napigilan ng amang si Roberto ang damdamin sa nangyari sa anak. “Another doctor, ‘yung anesthesiologist niya… approached me and explained, and he did told me that my daughter would be a lawyer. So that was the happiest news last night,” ani Roberto Laurel, ama ni Raissa. Bagamat matapang na hinaharap ngayon ni Raissa ang kanyang kapalaran, nangangamba naman si Ginoong Laurel sa pangmatagalang epekto ng pangyayari sa kanyang anak. “Naaawa ako, pero she has that spirit of... definitely, one day, she will become a lawyer. Iyon pong spirit na iyon, at ang kanyang ambisyon, I hope it is not totally ruined with what has happened to her. At least she would live, but I know na yung dating… confidence, I don’t know if she could gain back that confidence,” aniya. Emosyonal din siyang nanawagan sa gobyerno na bigyang katarungan ang nangyari kay Raissa at sa iba pang mga biktima ng pagsabog. “Gawan po natin ng aksyon ang pangyayaring ito. We are in a civilized world, and I believe that with what has happened yesterday, anarchy na po ang nangyayari eh… I appeal to the government, most especially to the Supreme Court… I’m sorry if I’m barking at the wrong tree pero sa tingin ko sa inyo po ito, tigilan na po natin ang ganito,” aniya. Pansamantala namang naibsan ang bigat ng problemang dinadala ng pamilya Laurel nang iabot na sa akin ni Raissa ang mensaheng ito sa papel. “I still want to become a lawyer someday,” sulat niya. Matapang na hinaharap ngayon ni Raissa ang pagsubok na ito sa kanyang buhay. Ayon kay raissa, pumayag siyang lumantad sa publiko upang mamulat ang lahat sa problemang kailangang masolusyunan ng ating gobyerno't lipunan. Gagawin niya raw ang lahat para hindi na maulit pa ang pangyayari. Julius Babao, Patrol ng Pilipino. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Metro Manila,Supreme Court,law,blast,tv patrol,Julius Babao,bar exams,latest video,TV Patrol top1,Setyembre 27 2010,frat war Read More: Supreme Court law blast tv patrol Julius Babao bar exams latest video TV Patrol top1 Setyembre 27 2010 frat war