40 dorms bagsak sa fire safety standards

Posted at May 20 2015 09:46 AM | Updated as of May 20 2015 05:46 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

MANILA - Apatnapung dormitoryo sa Maynila ang bagsak pagdating sa fire safety standards ng Bureau of Fire Protection.

Ayon sa BFP, karamihan sa mga dormitoryo na may violation ay walang fire sprinkler at smoke detector at may mga problema sa fire exit.

Bibigyan ng isang buwan ang mga may-ari ng dormitoryo para sumunod dahil kung hindi ipasasara sila.

Paalala ng BFP sa mga estudyante, parating hanapin ang fire safety certificate, sanitary at mayor's permits sa mga dormitoryong tutuluyan.

ABS-CBN Umagang Kay Ganda, May 20, 2015