Police bare carjacking modus

Posted at Apr 28 2011 11:26 PM | Updated as of Apr 29 2011 07:27 AM

Ang pinakabagong model ng sasakyang Volvo ang tinangay mismo ng bagong driver ng isang nakakariwasang pamilya sa La Vista Subdivision sa Quezon City.

Kuwento ng guwardiya ng pamilya, alas-8 ng gabi nang lapitan siya ng suspek na si Federico Laurel na nagmamadaling umalis ng bahay.

“Tumawag daw muna po si sir, nagpapasundo daw po,” sabi ng guard na si Darwin Quicay.

Pag-uwi ng pamilya ng gabi ring iyon, wala na ang P3 milyon saksakyan.

Sa imbestigasyon ng QC Anti-Carnapping Unit, modus operandi na ng suspek na magpanggap na driver.

Para maging mas kapanipaniwala, kumpleto ang kanyang dokumento gaya ng NBI clearance at iba pang credentials. 

Nang puntahan ng pulisya ang address ng suspek, wala na siya sa lugar.

“Simula po noong kunin niya ang sasakyan, mayroon po siyang text messages doon sa co-driver niya. Na-trace po siya na somewhere in Bulacan,” sabi ni Superintendent Ferdinand Villanueva.

Tuloy ang paghahanap sa suspek na driver, maging sa sasakyang kanyang tinangay.

Payo ng Highway Patrol Group sa mga naghahanap ng bagong driver, para maiwasang maging biktima ay maaaring silipin ang kanilang rogue gallery ng mga suspect dito sa Camp Crame.

Kumuha ng driver na rekomendado ng malapit na kaibigan at mas mainam kung kamag-anak na lang.
Zyann Ambrosio, Patrol ng Pilipino