4 patay sa sunog sa Pasig; 100 pamilya apektado

ABS-CBN News

Posted at Apr 16 2016 11:32 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Apat ang patay sa sunog na tumupok sa 50 bahay sa E. Santos Street sa Barangay Palatiw, Pasig.

Nakilala ang mga nasawi na sina Fidela Lacia, 60; isang Enrique Sanchez, isang apat na taong paslit at kapatid nitong dalawang taong gulang.

Nasa 100 pamilya ang naapektuhan ng sunog na sinasabing nagsimula sa bahay ng isang alyas "Kudos" at mabilis na kumalat dahil gawa sa light materials ang mga katabing bahay.

Aabot sa P5 milyon ang halaga ng pinsala ng sunog.

- DZMM TeleRadyo, 16 Abril 2016