Pekeng male-enhancing products may halong masilya

Posted at Mar 04 2015 10:09 AM | Updated as of Mar 04 2015 06:09 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

MANILA - Inimbitahan na ng NBI ang dalawang Chinese nationals na sinasabing may-ari ng tindahan ng ilang pekeng male enhancing products.

Bukod sa hindi ito mapakinabangan, nagdudulot pa raw ito ng diarrhea at may ingredient pang masilya o wood patty na delikado sa kalusugan.

Kahon kahon na mga pekeng produkto ang nasabat ng NBI at Food and Drugs Administration nang salakayin nila ang tindahan sa Binondo sa Maynila.

Posibleng kasuhan ng paglabag sa intellectual property rights ang dalawang Chinese national.

ABS-CBN UMAGANG KAY GANDA, March 4, 2015