Cayetano blasts 'BBC'

Posted at Nov 18 2014 12:03 PM | Updated as of Nov 19 2014 06:53 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

MANILA - May panibagong patutsada si Sen. Alan Peter Cayetano laban sa kampo ni Bise-Presidente Jejomar Binay matapos di na naman pumunta ang ilang opisyal ng Makati sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon sub-committee.

Ayon kay Cayetano, hindi nakakapagpaliwanag ang mga opisyal tungkol sa umano'y anomalya sa pagtayo ng iba't ibang gusali sa Makati matapos boykotin ang mga pagdinig.

Tinawag pa niyang BBC o "Binay Broadcasting Corporation" ang mga interview ni Binay na nagsasabing hindi nadidinig ang kanyang paliwanag sa mga isyu.

"Maririnig ko na naman sa radyo in the next few days sa BBC, sa Binay Broadcasting Corporation, na 'Kita mo, one-sided. Kita niyo dinikdik ang Makati.' But they are not here to answer," aniya.

Ayon sa senador, dapat ipaliwanag din kung bakit nabigyan ng certificate of completion ang lokal na pamahalaan kahit hindi pa tapos ang paggawa sa ika-9 at sampung palapag ng Makati Science High School.

ANC, November 18, 2014