Bar blast victim gets praises

Posted at Sep 28 2010 09:56 PM | Updated as of Sep 29 2010 09:32 AM

Sa sulat na ibinigay sa akin ni Raissa kahapon, hindi makikitaan ng kahinaan ng loob ang dalaga. Ang sabi niya, “I can’t talk because of the tube. Sa harap ko po 'yung bomb. I can’t do anything kasi sumabog na. Nagulat na lang kami nasa harap na namin eh. Hindi na kami nakatakbo. Okay lang ako.”

Ayon kay Raissa, isang rectangle-shaped na bagay ang bumagsak sa kanyang paanan bago ito sumabog.

Pumayag si Raissa na magbigay ng pahayag sa amin dahil nais niyang makatulong na masigurong magiging ligtas ang mga susunod pang Bar exams.

Tanggap na ni Raissa ang kanyang kapalaran. Hindi rin daw ito makakapigil sa kanyang pangarap na maging abogado balang araw.

Pawang mga mensahe ng papuri at paghanga kay Raissa ang tinaggap ko sa aking Twitter account, matapos mapanood ang aming report sa TV Patrol kahapon.

Ayon kay Vanessa Herrero, “Only her legs were severed but not her spirit.”
 
“I cried while watching the news,” sabi ni Marry Anne Ingua.

“She’s strong and I am looking forward to her being a lawyer.”

Sabi naman ni Amie Francisco, “You are going to be a lawyer someday, a well-respected lawyer”.

Sa ospital, dagsa pa rin ang suportang tinatanggap ni Raissa. Sina Private First Class Arnold Delantar at Alfeo Jordan, walong oras nang naghihintay sa PGH para mag-donate ng dugo kay Raissa.

“Nasaktan kami dahil inosente 'yan, sana naman mabigyan siya ng lakas para maka-survive siya,” ayon kay Delantar.
 
“Naawa ho kami sa bata kasi nakita namin 'yung status niya, tungkulin po natin ang tumulong sa nangangailangan,” dagdag naman ni Jordan.

Pati ang mga kaklase ni Raissa, hindi nag-atubiling mag-donate ng dugo at ipakita ang suporta sa kaibigan.

 “I hope to see you again, be strong, this is not the end of course,  life must goes on,” ayon sa kaibigang si Jasper.

Nagpasalamat si Ginoong Laurel sa mga taong nagmamalasakit sa kanyang anak. Itinuring niyang isang milagro ang nangyari kay Raissa.

“The support given by friends are tremendous and I hope that the authorities, President (Benigno) Noynoy (Aquino), I'm one of the supporters, I voted for you, but please give meaning and value to loss ng paa ng aking anak,” ayon sa ama niyang si Roberto.

Nanawagan din siya sa mga kaibigan ni Raissa na unawain ang kanyang sitwasyon. Hindi maitago ng ni Ginong Laurel ang sama ng loob.

“Napasakit ho is for me to sign a waiver na pinapayagan ko sila na magawan ng procedure na putulin nila ang paa ng anak ko. Finally after the operation, about more than 2 hours siguro, mga 10:30, another doctor, yung anesthesiologist niya, which I forgot his name, sorry po doc, approached me and explained and he did told me that my daughter would be a lawyer, so that was the happiest news last night,” dagdag niya.

Nakahanda naman ang PGH na mabigyan ng isang psychiatrist si Raissa para matulungan siyang malampasan ang pagsubok na ito.

“'Yung pag-stabilize na and after the physical wounds are treated, then usually 'yung ating mga trauma surgeons, 'yung doctors natin, ay ire-refer din sa psychiatrist kasi ang hirap mag-cope sa ganitong pangyayari,” ani Dr. Enrique Domingo ng PGH.

Sa huling mensahe niya sa kanyang Twitter account, makikita ang pinaghuhugutan ng lakas ni Raissa na tiyak na makakatulong para makamit niya ang inaasam-asam na pangarap.

- Julius Babao, Patrol ng Pilipino.